Saturday, June 6, 2009

Second Year

Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang pagiging second year!!

Masaya rin sya. Kumpara sa pagiging first year, na inosente ka pa, ngayong sophomore na ko, medyo . . . wala! Mabait pa rin ako! Pero ang daming nangyari agad na hindi ko ina-asahan, oh masyado pang maaga para mangyari.

So, 2-Marconi ako. Mukha rin namang masaya tong section na to. Marami rin naman akong kakilala, kaya medyo mas madali makakilos dito, kaysa sa nung isang taon. Meron rin namang mga ibang Descartes na kaklase ko pa rin, problema nga lang, puro babae sila, kaya sumali nalang ako sa samahan ng mga ibang seksyon, para hindi ako nag-iisang lalake kasama ang apat na babae!

Sched. namin, ok na rin. Nakakasabay rin naman namin yung mga ibang section, lalo na ang Thales at Kepler kapag vacant periods, kaya ok na yun. Problema, madalas rin naming kasabay ang Milikan, kaya madalas akong magtago, kundi baka mahanap pa ako ni KRISTEL!!! >:D

Yung unang linngo na ito ay dumaan rin ng mabilis. Wala pang masyadong hirap kasi first week palang naman, at puro vacant kasi medyo nagkakagulosa sched. Mababait rin yung mga teacher.

Isa sa mga paborito kong subject ang Comp. Sci. kasi si Mr. Casba yung teacher. Halos walang pake yung teacher na to sa kung anuman ang ginagawa ng klase! Sobrang ingay na namin, tuloy pa rin sya sa pagsasalita sa harap, parang wala lang nangyayari. Iniisip ko kung nasusunog na yung CB, nakaupo pa rin yun, umiinom ng alak! Onga pala, nasabi ko na nga ba na ang lakas nitong uminom? Kahit hindi October, maaasahan mong nasa Octoberfest yan! Saya di ba!

Tapos, nandoon rin si Ma'am Pollo. Geometry teacher namin yan, at adviser! Swerte di ba!? Kahit gaanong kaingay pa kami, hindi kami sinisigawan! Saya!

Pati na rin si Sir Bonifacio ng TLE. Ok na rin sya, medyo nagpapatawa na rin sya paminsan-minsan. Tapos, ok pa yung room. Hindi masikip!

Ngayon, sila classmates naman. Ok sila, parang last year, iisa kami, magkakampi. Buti rin na maraming maingay, kundi magiging parang Dalton kami na hindi ganong katalino. Marami rin saming maaasahan, kaya pag-group work, madaling makatapos. Tapos, kahit medyo maaga pa sa school year, laganap na agad ang assignment, kaya madaling makahingi ng tulong. (Note: tulong, hindi kopyahan!)

Marami rin naman akong kaibigan sa ibang section. Sila Aljeri, Meryl, Jerome, yung mga dati ko ring kaibigan. Madalas ko ap rin naman silang nakakausap, kaya ok pa rin naman. Third day pa nga lang, may barkada na agad! MAD . . . MEWYL - ALTHY - DAINY. Problema kaasar yung nickname ko. Medyo malande yung dating! Disaster sya, di ba!? Ang epic agad naming magkakaibigan! Tapos may logo na agad kami - "=D". Ayan! Pambihira oh! Pero yan makukuha mo pag dalawang babe ang makagrupo mo. (No offense Meryl at Daine. Ok lang yung mga yan sa akin!)


Ngayon, ang pagiging second year ay may mga kamalasan rin! Hindi parang last year, na pwede ka pang malate sa klase, ngayon, kahit first week pa lang, dapat pumsako ka agad! Pangalawa, kakaiba ang mga teachers! Maiisip mo ba yun, nung Wed. palang nag first quiz agad! WTH!
Tapos, wala na! Hehehehe.

Mahaba pa yung taon, kaya marami pa kong masusulat. BYE!!

(c) ;_; (c)

*kay Daine yung smiley na yan.

3 Comments:

Blogger Agent 019 said...

Yow. :D

June 7, 2009 at 12:16 AM  
Blogger altheo. said...

XDXD

June 7, 2009 at 12:28 AM  
Blogger Jejeganda said...

haha. adik ka talaga, ang bakla!

June 7, 2009 at 4:23 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home